^

Metro

PCG personnel sibak sa paggamit ng service vehicle sa pagsundo sa ‘prosti’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sibak sa serbisyo ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nang mapatunayang gumamit ng service vehicle ng gobyerno sa pagkuha ng mga babaeng prostitute sa isang bar sa Quezon City noong Disyembre 2019.

Sinabi ni PCG Spokesman Capt Armand Balilo na walang pwesto sa kanilang tanggapan ang mga tulad ni  SN2 Abulhair S. Turabin, nakatalaga sa Real Estate Management Office-Logistic Command  na nagkasala ng  grave misconduct.

Una nang sumailalim sa preventive suspension si  Turabin nang imbestigahan kaugnay sa reklamo ng  pagsasakay ng dalawang babae mula sa isang bar at dinala sa isang bahay sa Quezon City gamit ang marked vehicle ng PCG, na nakunan ng video.

Resulta ng imbestigasyon ng kaniyang mother unit ang rekomendasyon na  tuluyang tanggalin sa serbisyo si Turabin.

Ayon kay Balilo, hindi. kinukunsinti ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia ang mga maling gawain ng sinumang nasa loob ng kanilang hanay.

Sinabi ni Balilo na dapat na magsilbing babala ang nangyari kay Turabin sa mga tauhan ng PCG.

 

vuukle comment

PCG PERSONNEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with