^

Metro

Kolorum na motorcycle taxi, hahantingin ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kolorum na motorcycle taxi, hahantingin ng MMDA
Sinabi ni DOTr-TWG head Antonio Gardiola na ito ay makaraang makara­ting sa kanila ang ulat na marami sa mga bumibiyahe ngayon na motorcycle taxi na naka-uniporme ang hindi naman nakalista sa ibinigay na masterlist ng Ang­kas, JoyRide at Move It, ang tatlong kompanya na kasali sa pilot run.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines – Maglulunsad nang mala­wakang operasyon ang Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) laban sa mga motorcycle taxi r­iders na pumapasada kahit na hindi nakatala sa masterlist na isinumite sa Department of Transportation’s Technical Working Group (DOTr-TWG) ng tatlong kompanya na kasama sa ikalawang pilot testing ng pamahalaan.

Sinabi ni DOTr-TWG head Antonio Gardiola na ito ay makaraang makara­ting sa kanila ang ulat na marami sa mga bumibiyahe ngayon na motorcycle taxi na naka-uniporme ang hindi naman nakalista sa ibinigay na masterlist ng Ang­kas, JoyRide at Move It, ang tatlong kompanya na kasali sa pilot run.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na iisa-isahin nila ang mga riders ng tatlong kompanya kasabay ng ipatutupad na ‘survey’ sa mga riders, upang malaman kung kasama sila sa talaan. 

Bukod dito, papaigtingin rin ng MMDA ang panghuhuli sa mga habal-habal na may mga terminals sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Inum­pisahan na umano nila ito kahapon at nakahuli na ng maraming mga riders na ang ilan ay walang driver’s license.

“So I’m warning, Angkas, Move It and JoyRide, kung 15,000 lang ang binigay sa inyong listahan, make sure it’s 15,000 nothing more,” babala ni Garcia.

Matatandaan na iniakyat sa 45,000 ang bilang ng pinayagang riders sa Metro Manila, 9,000 na riders sa Cebu at 9,000 riders sa Cagayan de Oro ang maximum na bilang ng riders na kalahok sa ikalawang pilot test.  Hahatiin ito sa tig-15,000 sa Metro Manila, tig-3,000 sa Cebu at Cagayan de Oro.

Sa datos buhat sa  DOTr-TWG, nasa 20,000 sa Metro Manila, 4,500 sa Cebu at 924 sa Cagayan de Oro ang bilang ng riders ng Angkas; ang Joyride naman ay may 15,000 riders sa Metro Manila, 4,488 sa Cebu at 176 sa Cagayan de Oro habang ang Move It ay may 6,836 riders sa Metro Manila lamang.

 

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with