^

Metro

Class suspension sa Filipino-Chinese schools sa Maynila pinalawig

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Class suspension sa Filipino-Chinese schools sa Maynila pinalawig
Hindi ito pila ng mga pasahero sa MRT o LRT, pila ito ng mga kababayan nating bibili ng surgical mask sa may Quiricada St. sa Sta Cruz, Manila kaugnay na rin sa sinasabing pagkalat ng sakit na 2019 novel coronavirus na ngayon nga ay may isa ng kumpirmadong kaso sa pinas.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines – Pinalawig ng ilang mga Filipino-Chinese schools sa lungsod ng Maynila ang kanilang ipatutupad na class suspension, bilang precautionary measure o pag-iingat pa rin laban sa 2019 Novel Coronavirus (n-CoV).

Ang mga Filipino-Chinese schools sa Maynila na suspendido ang klase ay ang Uno High School sa Tondo (suspended indefinitely); Chiang Kai Shek College sa Tondo (suspendido hanggang Feb. 08, 2020). Nitong mga nakalipas na araw, nagkaroon ng general cleaning sa paaralan, dahil sinamantalang walang klase.

Gayundin,  ang Hope Christian High School sa Tondo na magresume ang klase sa Feb. 03) at St. Stephen’s High School sa Tondo na suspended indefinitely. Inaasahan na magbabalik sa normal ang mga klase at aktibidad sa Feb. 10, subalit depende pa sa sitwasyon.

Hanggang Pebrero 8 naman suspendido ang St. Jude Catholic School sa San Miguel .

Nililinaw naman ng mga naturang paaralan na walang kaso ng n-CoV sa kani-kanilang estudyante, faculty o mga staff.

Sakali namang may pasok na sa mga paaralan, pinapayuhan ang mga estudyante, faculty at school personnel na magsuot ng face mask at magdala ng alcohol o sanitizer.

Kailangan din na maging alerto ang lahat, at sumunod sa health advisories.

vuukle comment

CLASS SUSPENSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with