^

Metro

2 Chinese na nasawi sa Taguig ambush, sangkot sa sindikato ng droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Kalalabas lang sa piitan

MANILA, Philippines — Mga miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga ang dalawang Chinese national na napaslang nitong Martes ng hapon sa isang  pananambang sa Taguig City.

Kinumpirma ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director MGen Debold Sinas na nakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-NCR sa Bicutan dahil sa kaso sa iligal na droga ang mga napaslang na sina Yu Cao, 40, at Wa Fan Hoi, alyas Yingjie Zhang, 43.

Lumalabas na kalalabas lamang ng dalawang Tsino sa pagkakakulong makaraang madismis ang kasong isinampa sa kanila dahil sa kawalan ng sapat na ebi­densya bago maganap ang pananambang.  Nabatid na nadakip noong 2012 ang dalawa ng mga elemento ng Eastern Police District (EPD) nang mahulihan ng higit sa isang kilo ng shabu.

Sinabi ni Sinas na baha-gi ng imbestigasyon nila ngayon na alamin kung anong oras napalaya ang dalawa at kung sinu-sino ang mga nakakaalam. Tu­manggi rin muna si Sinas na ikonekta sa iligal na droga ang pamamaslang.

Samantala, ligtas na sa kapahamakan ang dala-wang batang Filipino-Chinese na may edad 5-taong gulang at 12-anyos na kasama sa niratrat na sasakyan. 

Nabatid na pawang anak ni Wa Fan Hoi ang dalawang paslit habang ang kanilang ina na kasama sa kotse ay nakaligtas rin sa insidente.

Nasawi rin sa naturang insidente ang Pinoy tsuper na si Noel Olimba, 38, na siyang nagmamaneho ng itim na Toyota Vios na sina­sakyan ng mga biktima nang sila ay tambangan sa may Gen. Santos Avenue sa Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod.

 

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with