^

Metro

P3 dagdag pasahe sa jeepney, hirit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihirit ng ibat- ibang transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na P3 sa pasahe sa jeepney.

Ayon sa mga ito dapat na gawing P12 ang minimum na pasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P9.

Sa kanilang naisampang fare hike petition kahapon sa LTFRB, binigyang diin ng mga grupong Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO), Allianced of Transport Operators and Drivers Assn of the Phils (ALTODAP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP), Land Transport Operators of the Philippines (LTOP)  at Pasang Masda na napapanahon na maitaas ang pasahe sa jeep dahil tumaas ang halaga ng krudo na gamit ng mga pampasaherong jeep.

Sa ngayon umaabot sa mahigit P40 ang halaga ng krudo kada litro at maaaring sumipa pa ang presyo dahil sa gulo ng US at Iran at sa ipapataw na excise tax.

Giniit ng naturang mga transport group na habang dinidinig ang fare hike petition ay magpatupad ang LTFRB ng provisional jeepney fare na minimum na P10 upang makatulong sa mga operator at driver mula sa tumaas na gastusin sa krudo.

Kapag provisional fare ay hindi na kailangan pang magsagawa ng public hearing ang LTFRB kundi ito ay ipalalabas na kautusan lamang para sa mabilis na aksyon.

Bukod sa taas presyo ng krudo at excise tax, idinahilan din ng naturang mga transport groups sa kanilang petisyon ang epekto sa kanilang kabuhayan ng pagtaas ng presyo ng piyesa ngmga sasakyan at maintenance fee bukod sa tumaas na  bayarin sa kuryente.

 

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with