^

Metro

Nakapatay sa mag-utol noong bisperas ng Bagong Taon, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Nakapatay sa mag-utol noong bisperas ng Bagong Taon, timbog
Naiturn-over na kahapon ng hapon sa mga tauhan ng MPD-Station 1 ang suspek na si Randy Panday, 42, garbage collector at residente ng Building 33, Unit 39, Aroma Compound, Tondo, Maynila. Siya ay nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa mga kasong two counts of murder, frustrated murder at illegal possession of firearms.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hawak na ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na pumatay sa magkapatid at nakasugat ng isa pa, sa Tondo, Maynila noong bisperas ng Bagong Taon, matapos maaresto sa Cavite City, kahapon ng madaling araw.

Naiturn-over na kahapon ng hapon sa mga tauhan ng MPD-Station 1 ang suspek na si Randy Panday, 42, garbage collector at residente ng Building 33, Unit 39, Aroma Compound, Tondo, Maynila. Siya ay nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa mga kasong two counts of murder, frustrated murder at illegal possession of firearms.

Suspek si Panday sa pamamaril kina Ariel Leguin, 22, at kuya nitong si Angelo, 24 anyos, habang sugatan din  si Ryan Celebran Y Magan, 31, driver at residente ng Bldg. 33 Extension, Temporary Housing.

Nabatid sa ulat na may nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek kaya tinungo ng mga tauhan ng MPD-Station ang Phase 18, GMA , Bulihan, Silang, Cavite nitong Enero 2 ng gabi at dakong ala-s 2:00 ng madaling araw ay natiyempuhan ang suspek na nanonood ng telebisyon sa nasabing address, na pag-aari ng kaniyang pamangkin.

 Matatandaang noong Disyembre 31 alas-6:00 ng gabi nang barilin ni Panday ang manugang na nakababatang si Leguin nang makitang nag-aaway at ang kaniyang anak na si Jonalyn Panday.

Sumaklolo ang kuya kaya siya rin ay binaril at maging ang nakasaksing si Celebran, bago tumakas at nagtago sa Cavite.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with