^

Metro

Christmas party inararo ng AUV: 2 bebot dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawa katao habang sugatan ang anim na iba pa matapos ara-ruhin ng isang Asian Utility Vehicle (AUV) habang ang mga biktima ay masayang nagdaraos ng kanilang Christmas party sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Elena Baga, 32, at Zenaida Zamora, 65, pawang residente ng Brgy. San. Jose, Quezon City.

Ang anim na nasugatan ay pawang   sa East Avenue, Medical Center.

Ayon sa report, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi sa gilid ng kalsada ng Mauban St., corner Tinagan St., Brgy. San Jose habang masaya umanong nagpa-party at nagsasayawan ang mga biktima sa gilid nang dumating ang isang humahagibis na AUV na minamaneho ng isang Edmund Sumundong.

Sa bilis ng takbo ng sasakyan ay hindi na ito nakapreno at inararo ang mga biktima sa gilid ng kalsada. Nabangga rin ang isang pampasaherong jeep na nakaparada sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na nakainom si Sumundong at ang kanyang kasamahan na si Jesie Balambao nang maganap ang aksidente.

Sinasabing wala ring lisensya si Sumundong at nagpapaturo pa lang sa pagmamaneho nang mangyari ang aksidente.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with multiple injuries and damage to property.

vuukle comment

ASIAN UTILITY VEHICLE

CHRISTMAS PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with