Bagong promote na pulis, tigok sa stroke
MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na bagong promote sa posisyon bilang tinyente ang tuluyang binawian ng buhay sa pagamutan makalipas ang ilang araw na obserbasyon, matapos ma-comatose dahil sa stroke, kahapon ng madaling araw.
Sa impormasyon, noong Huwebes nang atakehin si P/Lieutenant Raul Imperial, 49-anyos, deputy officer ng Warrant and Subpoena Section ng MPD-headquarters, habang papasok sa duty, at minamaneho ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng Chesa St., Tondo, Maynila.
Nang bumagsak sa kalsada ay isinugod siya sa Mary Johnston Hospital at nanatili sa intensive care unit (ICU) habang comatose bunga ng aneurisym.
Nabatid na kamakailan lang natanggap ni Imperial ang promosyon sa kanyang bagong ranggo na Lieutenant.
- Latest