^

Metro

3 opisyal ng PNP, sibak sa serbisyo sa P5 milyong body cam extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 opisyal ng PNP, sibak sa serbisyo sa P5 milyong body cam extortion
Ang nasabing mga body cameras ay gagamitin partikular sa drug war ng PNP at maging sa iba pang mga sensitibong operasyon.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na kahapon ni Philippine National Police (PNP)  Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang dismissal sa serbisyo sa tatlong opisyal ng pulisya na nasangkot sa pangongotong sa mga bidders kaugnay ng pagbili ng P 334 M halaga ng mga body cameras.

Ang nasabing mga body cameras ay gagamitin partikular sa drug war ng PNP at maging sa iba pang mga sensitibong operasyon.

Sinabi ni Gamboa na nilagdaan na niya ang dismissal order nina Police Majors Emerson Sales; Rolly Caraggayan; at Angel Beros.

“Today I will sign their dismissal from service, of course they have ten days to appeal my decision to me, but what do you expect di ba? After that they can appeal at the national appellate board,” pahayag ni Gamboa sa PNP Press Corps.

“As I promise we will be transparent to those who are answerable especially to those who are corrupt we will be dismissed swiftly as fast as we could”, ani Gamboa na tiniyak na binibigyan naman ng award ang mga pulis na nakakagawa ng kabutihan sa serbisyo. “But of course, we also award those who did good in the service,” said Gamboa.

Inihayag ni Gamboa na ang pagkakasangkot sa illegal na aktibidades ng nasabing mga opisyal ay ini-expose ng isang talunang bidders.

Sinabi ni Gamboa na nadiskubre niya bilang Chairman ng PNP Bids and Awards Committee ang nasabing irregularidad  matapos na magreklamo sa kaniya ang isa sa walong bidders na nadiskuwalipika.

Nabatid na ang nasabing bidder ay pinagbayad umano ng inisyal na P 5 M ng nasabing mga pulis na miyembro ng Technical Working Group (TWG) pero sa kabila nito ay nadiskuwalipika ang iniaalok nilang produkto.

Ayon kay Gamboa, ang nasabing mga pulis na napatunayang guilty sa kasong administratibo ay sasampahan din ng kasong kriminal.

Sa kabila nito, nais ni Gamboa na tapusin ang proseso ng bidding para sa mga body cameras bago matapos ang taong ito para sa anti-illegal drug operations.

vuukle comment

BODY CAMERA

EXTORTION

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with