^

Metro

Rollback sa presyo ng petrolyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad na ng panibagong rolbak sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong Martes ng umaga.

Alas-6 ngayong Martes ng umaga nang magbaba ng presyo ng kanilang mga produkto ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Petrogazz, PTT Philippines, Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum.

Nasa P.25 sentimos kada litro ng diesel at P.10 sentimos kada litro ng gasolina ang kanilang itinapyas. Nagbaba rin ng P.10 sentimos sa kada litro ng kerosene ang Petron, Shell at Seaoil.

Nauna nang nagrolbak ang independent oil firm na Cleanfuel nitong alas-4 ng nakaraang Linggo ng kaparehong halaga sa gasolina at diesel.

Ito ang ikatlong sunod na rolbak na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis. Noong nakaraang linggo, nagbaba sila ng mula P.25-P.40 sentimos sa litro ng gasolina, P.10-P.15 sentimo sa diesel at P.25 sentimos sa kerosene.

Mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 5, anim na rolbak na sa diesel ang ipinatupad na nagresulta sa pagbaba ng P2.15 kada litro, limang rolbak sa gasolina na may P2.80 ibinaba at limang beses na rolbak rin sa kerosene na may P2.90 kada litro na ibinaba.

vuukle comment

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with