^

Metro

Demolisyon sa loob ng Manila North Cemetery, patuloy

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Demolisyon sa loob ng Manila North Cemetery, patuloy
Ang isinagawang clea­ring operations ay bahagi ng paghahanda ng MPD at pamunuan ng Manila North Cemetery ngayong Undas.
File

Patalim, Sumpak , Drug paraphernalia nasamsam

MANILA,Philippines — Iba’t ibang mga kontrabando kabilang ang sum­pak, airsoft gun, mga patalim at drug paraphernalia ang nasamsam ng mga tauhan ng Manila Police District mula sa ilang nakatira sa Manila North Cemetery.

Ang isinagawang clea­ring operations ay bahagi ng paghahanda ng MPD at pamunuan ng Manila North Cemetery ngayong Undas.

Ayon kay MPD station 3 commander P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, kailangang gibain ang mga informal settlers upang mas maging maluwag at malinis ang sementeryo.

Bilang pagsunod sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno, magiging mas mahigpit ngayon sa mga sementeryo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng ginagawang drug den ang isa sa mga barung-barong na giniba kahapon kung saan nasamsam ang mga drug paraphernalia.

Ayon kay MNC Director Yayay Castañeda,  dodoblehin nila ang monitoring at seguridad simula bukas hanggang sa Sabado upang matiyak na walang ipapasok na ipinagbabawal na kontrabando.

Nabatid na hindi bababa sa 500 pulis ang itatalaga para masiguro ang kaayusan at seguridad sa Manila North Cemetery, lalo na’t inaasahang posibleng umabot sa 2 milyon ang bibisita roon ngayong taon.

vuukle comment

DEMOLISYON

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with