^

Metro

Spa na ‘front’ ng prostitusyon, ni-raid

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ipinasara ng City govern­ment ng San Juan ang isang spa massage na sinasabing ‘front’ ng prostitution, kahapon ng hapon

Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora ang nanguna sa pag-raid at pagpapasara sa Michiko Spa, na matatagpuan sa Santolan Road malapit sa Ortigas Avenue, pasado alas-2:00 ng hapon.

Nauna rito, nakatanggap ng sumbong ang munisipyo na nag-aalok ng ‘extra service’ ang mga masahista sa nasabing spa kaya’t kaagad itong sinalakay.

Wala naman ang may-ari ng spa na nakilala lang na si Felipe Tamang, nang mangyari ang operasyon, at kaagad ding nag-alisan ang mga trabahador nito. Maaari raw itong maharap  sa patung-patong na kaso, gaya ng human trafficking.

Natuklasan din na nag-ooperate ang spa na walang mayor’s permit. 

Ayon kay San Juan City Police chief, P/Col. Jaime Santos, kukunan nila ng sinumpaang salaysay ang apat na babae na kanilang nasagip upang magamit sa isasampang kaso.  

Sa panig naman ni Zamora, ipinag-utos nito ang regular na pag-inspeksiyon ng mga pulis ang ganitong uri ng mga negos­yo upang matiyak na hindi gumagawa ng labag sa batas.

vuukle comment

SPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with