^

Metro

100 brgy. captains sa Maynila, ‘lagot’ sa DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Bigo sa clearing ops

MANILA, Philippines – Mahigit 100 barangay captains sa lungsod ng Maynila ang ‘lagot’ sa Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkabigo ng mga ito sa clearing operation sa mga sidewalks at street obstructions na iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, pagpapalinawagin nila ang mahigit 100 kapitan ng barangay sa Maynila dahil sa kanilang ‘non-compliance’ sa  Presidential order at kapag nabigo ang mga ito, sususpendihin sa kanilang trabaho.

“A lot of barangay chairman in Manila will be issued show-cause orders to explain within 72 hours or a week their non-compliance,” sabi ni Diño.

Sinabi pa ni Diño, una nang nilinis ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga kalsada na nasasakupan ng mga brgy. official at itinurn-over sa kanila (Kapitan) pero may mga nagbalikan pa ring vendors na nagsisilbing obstruction sa kalsada.

Sa panig naman ng mga Alkalde na hindi nakasunod sa kautusan ng Pangulong Duterte ay ilalabas na rin ang  listahan sa susunod na mga araw.

Maglalabas na ng ‘show-cause order’ ang pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga alkaldeng bagsak sa clearing operation na iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman ito sa tagapagsalita ng DILG na si Usec. Jonathan Malaya, nasa mesa na ni Sec. Eduardo Año ang classification at rating na ibinigay nila sa mga Mayor kaya anumang  araw mula ngayon ay malalaman na ng publiko kung sinu-sino ang binigyan ng bagsak na grado.

“Sinabi  ni DILG Sec. Año ito, ngayong linggo kami maglalabas ng show-cause orders,” ani Malaya.

Ani Malaya, maglalabas sila ng ‘memoranda’ laban sa mga local officials na hindi nakatupad sa 60-day clearing operation.

Ayon sa DILG, sa Metro Manila, hindi pa 100 porsiyento ng mga LGUs ang nakapaglinis ng mga pangunahing kalsada.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with