^

Metro

2 pang brgy. sa Quezon City, apektado ng ASF

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 pang brgy. sa Quezon City, apektado ng ASF
Patuloy ang isinasagawang culling sa mga alagang baboy na naapektuhan ng ASF sa Area 4 Veterans Village sa Brgy. Pasong Tamo sa lungsod Quezon.
Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines – Patuloy ang isinasagawang culling o pagpatay sa mga may sakit na baboy sa pamamagitan ng injection sa lungsod Quezon.

Ito ay makaraang umusbong na rin ang African Swine Flu sa Brgy. Pasong Tamo at Brgy. Roxas District.

Sa ngayon, may limang barangay na ang nagkakaso ng ASF sa lungsod. Bukod sa Pasong Tamo at Brgy. Roxas District, una nang naitala ang ASF sa Brgys. Bagong Silangan, Payatas at Tatalon.

Kahapon, may 200 baboy ang isinailalim sa  culling sa Brgy. Pasong Tamo at may 400 pa ang inaasahang isailalim sa culling sa mga susunod na araw.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, tumanggap na ng financial assistance ang mga hog raiser sa barangay Pasong Tamo na P3,000 kada baboy.

Tiniyak din ni Belmonte na patuloy na babantayan ng mga tauhan ang mga pamilihan upang maiwasang may makapasok na hot meat doon.

Kaugnay nito, sinabi ni Dra. Ana Cabel, City Health Officer na walang dapat ipag -alala ang mga taga-QC  sa paglalagyan ng mga patay na baboy dahil dumaan naman sa tamang proseso ang pagbabaon  sa designated lots  ang mga baboy na naisailalim sa culling.

Wala na anyang kaso ng ASF sa Payatas, Bagong Silangan at Tatalon kaya’t nakasentro na ngayon ang pagsubaybay sa mga babuyan sa Roxas District at Pasong Tamo.

 

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with