^

Metro

Drug cleared barangay sa QC, dumarami!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Drug cleared barangay sa QC, dumarami!
Ayon kay QCDAAC Chair at Vice Mayor Gian Sotto, ang pagdami ng bilang ng mga barangay na drug cleared ay bunga ng pinaigting na kampanya ng lungsod kontra illegal drugs.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tumaas na sa 59 mga barangay ang kinilalang drug cleared barangay ng QC Drug Abuse and Advisory Council (QCDAAC) nitong Agosto 2019.

Ayon kay QCDAAC Chair at Vice Mayor Gian Sotto, ang pagdami ng bilang ng mga barangay na drug cleared ay bunga ng pinaigting na kampanya ng lungsod  kontra illegal drugs.

Sa 16, 000 anyang mga drug surrenderees sa QC  may mahigit 3, 000 na  ang nagsipagtapos sa drug interventions ng lungsod. May mahigit 300 naman ang kinakanlong sa Tahanan Drug rehabilitation Center.

Sinabi ni Sotto na kasama na ngayon ang pamilya sa programa ng QCDAAC upang mabigyang pagkakataon ang mga drug users na maiwasan ang paggamit sa illegal drugs at makapagbagong buhay para sa kanilang pamilya.

Inamin naman ni Sotto na hirap din nilang mapasok ang mga gated subdivision para matiyak na walang nakakapasok na illegal drugs dito.

Sa ngayon anya bukod sa mga interventions na naipagkakaloob sa mga drug surrenderees ay handa rin ang kanyang tanggapan na mas palawakin pa ang pagtulong  sa kanilang pamilya tulad ng pagkakaloob ng livelihood trainings kasama ang NGO, skills training ng Tesda, kaalaman sa basic business management at mabigyan ng puhunan at may pagkakitaan ang pamilya.

vuukle comment

GIAN SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with