^

Metro

Lolo hinipuan ang apo, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa selda ang bagsak ng isang 67-anyos na lolo matapos umanong molestiyahin ang sariling apo makaraang paghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan at tinangka pang halayin, naganap sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap ngayon sa mga kasong Acts of Lasciviousness at Child Abuse ang suspek na si Helarion Jasarino, alyas “Lolo Larry”, makaraang ireklamo ng ina ng biktima na itinago sa alyas na “Mish”.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-5:30 ng hapon habang nanonood kasama ang kanyang batang pinsan sa loob ng bahay ng suspek sa may No. 19 F. Lazaro Street, Brgy. Canumay West nang tumabi ito sa biktima at saka umano ipinasok ang kamay sa kanyang shorts saka hinagod ang kanyang kaselanan.  Pumalag ang biktima at pumasok sa kuwarto ng bahay para makatakas sa matanda ngunit sinundan pa rin siya sa loob.

Tinangkang buhatin umano ng suspek ang paslit na nagkakawag hanggang sa dumating ang kanyang ina at nakita ang anak na umiiyak.

Dito agad na isinumbong ng bata ang ginawa sa kanya ni Jasarino kaya dali-dali silang nagsuplong sa barangay hall ng Canumay West na siya namang humingi ng tulong sa Police Community Precinct 1 na nagresulta sa pagkakada­kip sa suspek.

 

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with