^

Metro

Dalagang napatay ng‘tulak’, binigyan ng debut party ng MPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dalagang napatay ng�tulak�, binigyan ng debut party ng MPD
Nauna nang nakapukaw sa damdamin ni MPD Director P/Brig. General Vicente D. Danao Jr., ang mga mensaheng ipinaskil sa social media ng mga kaibigan at kaanak ni Ronalyn Cordero Jamon, 17-anyos lang noong Abril 7, 2019, sa Dayao St., Tondo na nangarap na makapagselebreyt ng debut subalit inabot ng kamatayan dahil sa 2 tama ng bala sa likod.

Biktima ng mistaken identity

MANILA, Philippines — Binigyang katuparan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pangarap ng isang dalagitang biktima ng ‘mistaken identity’ na napatay ng ‘tulak’ sa droga nang  bigyan ng magarbong debut party ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa Brgy. 129, sa Tondo, Maynila noong nakalipas na Linggo.

Nauna nang nakapukaw sa damdamin ni MPD Director P/Brig. General Vicente D. Danao Jr., ang mga mensaheng ipinaskil sa social media ng mga kaibigan at kaanak ni Ronalyn Cordero Jamon, 17-anyos lang noong Abril 7, 2019, sa Dayao St., Tondo na nangarap na makapagselebreyt ng debut subalit inabot ng kamatayan dahil sa 2 tama ng bala sa likod.

Ayon kay MPD station 1 commander P/Colonel Reynaldo Magdaluyo, na tinawagan siya ni Gen. Danao nang mabasa umano ang mga nakapaskil sa social media hinggil sa pangarap ni Jamon na makapag-debut.

“Tinawagan ako ni DD at sabi niya ay gawan ng paraan na mai-celebrate ang pangarap ni Jamon na makapag-debut. Sabi ng nanay pinag-iipunan ni Ronalyn ang kanyang debut.

 Nagtitinda ng isaw na tumutubo ng 50 pesos  na ipinag­huhulog sa paluwagan para may ipang-handa. Kumita din siya sa palabunutan sa tabing bahay nila na kapag nanalo ay may premyong sisiw at itik na may kulay...grabeng pagsisikap niya para sa debut,” ani Magdaluyo.

Walong litson, may catering, may shawarma both, may malaking cake, may mga ipinamigay din na school supplies sa mga dumalo, lights and sounds sa sayawan, kantahan sa pagtugtog ng MPD Band at mismong si Gen. Danao at anak na babae na nanggaling pa sa Davao ang naghandog ng awit sa debut na ginanap malapit sa bahay ng pamilya Jamon na nagsimula ng alas 4:30 ng hapon at nagtapos pasado alas -10:00 ng gabi.

Nabigyan din ng pamuhunan sa pagtitinda ang ina ni Jamon sa tulong ng MPD sa pangunguna ni Danao at Magdaluyo habang ang kapatid na elementarya ni Jamon ay pinagkalooban ng scholarship hanggang sa kolehiyo ng isang negosyante ng Shawarma food booth na Lebanese na kaibigan ni Magdaluyo.

Magugunitang si Jamon ay napagkamalang si “Wanna Vie”, ang pakay sa pamamaril dahil sa hindi pagre-remit umano ng bayad sa iligal na droga na nagkataong kamukha ni Jamon.

Makaraan ang isang linggo, Abril 14 nang ikanta ng testigo ang kinaroroonan ng suspek sa  pamamaril na si Jed Ayson, 46, residente ng Building 24, Permanent Hou­sing, Balut, Tondo, na batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ay nakitang papatakas matapos ang pamamaril kay Jamon noong Abril 7 sa Dayao St.

Ikinasa ang buy-bust ope­ration laban sa suspek na nangyari ala- 1:30 ng madaling araw sa Building 18, nanlaban ang suspek at nabaril siya sa pagganti ng putok ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT).

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with