^

Metro

Paglilipat ng superbisyon sa NPTI malaking tulong-PNP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ang paglilipat ng superbisyon ng National Police Training Institute (NPTI) sa PNP ay malaking tulong upang mapigilan ang mga susunod na henerasyon ng mga pulis na masangkot sa ilegal na aktibidad.

Nauna rito, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11279 na magsasailalim sa PNPA sa ilalim ng direktang superbisyon at kontrol ng PNP chief, habang ang pangangasiwa at kontrol naman sa NPTI, na siyang nagsasanay ng mga non-commissioned officers, ay tutukuyin sa revised organizational structure ng nasabing unit.

 “Kung ating matatandaan ang mga bagong pulis ay nasasangkot sa mga tiwaling activites, sa krimen, iba naman pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. So ‘yan ang pini-prevent natin ngayon. Ang PNP na mismo ang may supervision and control doon sa training po nila,” paliwanag naman ni PNP spokesman P/Col. Bernard Banac.

Ayon kay Banac, sa lumang set up, walang direktang superbisyon at kontrol ang PNP sa mga ito kaya’t hindi nila nasusubaybayan ang training sa mga police recruits.

 Kumpiyansa naman si Banac na kung ang PNP ang magiging pa­ngunahing ahensiya na mangangasiwa sa training at pag-aaral ng mga bagong pulis ay higit na made-develop ang mga ito bilang tunay na public servants.

vuukle comment

NATIONAL POLICE TRAINING INSTITUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with