^

Metro

2 timbog sa panghahalay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang dalawang kalalakihan sa magkahiwalay na panggagahasa sa isang 6-anyos na batang babae at isang 16-anyos na dalagita sa Pasay at Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police ang nadakip na suspect na si Leoncio “Jhun” Lagumot, 47, Central  Kalayaan ng nasabing lungsod.

Lumabas sa report, alas-11:00 kamakalawa ng umaga nang halayin umano ni Lagumot ang 6-anyos na pamangkin batang babae habang mag-isa itong naiwan ng kanyang lola sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Ayon sa lola ng biktima na hindi na nagpabanggit ng pangalan, isinumbong sa kanya ng kanyang apo ang ginawang panghahalay ng suspect.

Dahilan upang magharap ng reklamo ang lola sa himpilan ng Pasay City Police, na nagresulta nang pagkakadakip sa nabanggit na suspect.

Alas-7:00 naman kamakalawa ng gabi ay nadakip rin ng Valenzuela City Police ang suspect na si Remmy Custodio,alyas Roldan , 38, sa kanyang bahay sa  2 Ilang-Ilang St., Brgy. Ba­langkas  ng naturang lungsod.

Matapos umano nitong dalawang ulit gahasain ang isang 16-anyos na dalagita at  molestiyahin pa ang isang 12-anyos na dalagita sa naturang lugar. Si Lagumot ay nahaharap sa kasong Rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law at gayundin si Custodio at  kinasuhan din ito ng 2 counts  slight illegal detention.

vuukle comment

ARRESTED FOR RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with