^

Metro

2 pinabulagta ng tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Tinangka pang isalba ng mga doktor sa Mary Johnston Hospital ang mga biktimang sina John Kervin Madayag  alyas Empoy, 26,  at   Jun Aguilar, 57, subalit kapwa binawian din ng buhay.

Sa inisyal na ulat, alas- 8:20 kagabi nang mangyari ang pamamaril sa dalawang biktima sa kahabaan ng Laurel St., sakop ng Brgy. 119 sa Tondo.

Nasa labas ng bahay ang unang biktima  habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo nang sumulpot ang  suspek  at saka binaril 

Matapos barilin si Madayag, habang  naglalakad naman sa Camacille kanto ng Laurel St. nang makita naman si Aguilar sa tapat ng kanilang bahay at   saka binaril din.

Nagawa pang tumakbo sa loob ng kanilang bahay si Aguilar ngunit sinundan pa ito ng suspek  at muling binaril.

Ayon kay P/Master Sgt.  Jansen Rey San Pedro ng MPD-Homicide Section, inaalam pa ang motibo sa pamamaril sa mga biktima habang patuloy ang pagtugis sa suspek.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with