^

Metro

Kawatan patay nang mang-agaw ng baril ng pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang arestadong suspek sa pagnanakaw nang agawan ng baril ang isang patrolman na nagba-blotter sa kaniya, sa loob ng Sibama Police Community Precinct (PCP), sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc si Brando Madid, nasa 30-35 anyos, residente ng Pier 15, Port Area, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang pisngi.

Sa ulat ni Staff Sergeant  Joel Jazareno ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong ala- 1:34 ng madaling araw nang iturn-over sa Sibama Police Community Precinct ng MPD-Station 4 ng barangay tanod ng Brgy. 492 si Madid.

 Habang nasa loob ng PCP ay inagawan umano nito ng baril si Patrolman Rolando Foronda Jr. na nauwi sa pag-aagawan hanggang sa kalabitin na ng dalawang ulit ang gatilyo subalit hindi umano tinamaan ang puntiryang si Foronda.

Nag-agawan muli at aksidenteng nakalabit ni Madid ang baril na tumama ang putok sa kaniyang mukha.Dinala pa siya sa kalapit na pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na dinakip si Madid nang maaktuhan na tinangayan umano ng wallet at iba pang gamit ang isang lasing na lalaki na nasa kalye.

Samantala, iniimbestigahan naman ang pulis kung may pananagutan dahil sa pagiging kampante sa kabila ng may kasamang suspek sa PCP na hindi naman umano nakaposas.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with