^

Metro

Junkshop hinoldap: Driver patay, P2-million kita tangay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Junkshop hinoldap: Driver patay, P2-million kita tangay
Nagtamo ng tama sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktimang si Roxan Magno, 25, habang nakatakbo at nakaligtas naman ang kasamahan nito na si Darwin Vianzon, 36.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Patay  ang truck dri­ver ng isang junkshop ma­tapos barilin, habang masu­werteng nakaligtas ang kasamahan nito makaraang holdapin ng hindi pa natutukoy na riding-in-tandem suspects at matangayan ng nasa mahigit P2-mil­yong kita ng junkshop sa Brgy. Commonwealth, sa lungsod ng Quezon, kama­kalawa.

Nagtamo ng tama  sa kaliwang bahagi ng leeg  ang biktimang si Roxan Magno, 25, habang nakatakbo at nakaligtas naman ang kasamahan nito na si Darwin Vianzon, 36.

Sa ulat ng Quezon City Police Districit (QCPD), dakong alas-12:30 ng tanghali nang dumating ang dalawa sa pinagtatrabuhang junkshop dala ang kaka-withdraw pa lang sa banko na kita ng junkshop na P2,065,000.

Dito ay biglang sumulpot ang mga suspek at nagdeklara ng holdap habang nakatutok sa dalawa ang hawak na baril ng backrider at puwersahang kinuha ang sling bag ni Vianzon na naglalaman ng P65,000 na agad na nakatakbo para sa kanyang kaligtasan.

Matapos nito ay sunod namang kinuha ang backpack ni Magno na naglalaman naman ng P2-milyon at walang sabi-sabing binaril ito sa kaliwang bahagi ng leeg at agad na tumakas sa direksyon ng Commonwealth Ave.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan si Magno ngunit idineklarang dead-on-arrival sa Fairview Ge­neral Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso. 

vuukle comment

CRIME

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with