^

Metro

P5-M reward vs suspects na umambus sa QC brgy. captain

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P5-M reward vs suspects na umambus sa QC brgy. captain
Naka-half mast ang bandila ng Pilipinas sa harap ng barangay hall ng Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City matapos ang naganap na pananambang kay Brgy. Captain Crisell ‘Beng’ Beltran kamakalawa.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Itinaas ng Quezon City Council sa P5 milyon ang reward money sa sinumang makakapagturo at makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga suspect na dawit sa pamamaslang   kay Bagong Silangan Brgy. Chairwoman Crisell “Beng” Beltran.

Umabot lamang ng mahigit 30 minuto at hindi na idinaan sa mahabang deliberasyon ang pag-apruba ng mayorya ng mga konsehal ng QC sa ordinance #PO20CC-538 na nagla-la­an ng P3 milyon bilang re­ward money.

Si QC Councilor Alfredo Roxas na pangunahing may akda ng ordinansa ang nagbasa ng panukalang ordi­nansa na naglalaan ng P3 milyon pero nagpahayag  ng mosyon si Majority leader Franz Pumaren at hiniling sa bumubuo sa Konseho na gawing P5 mil­yon ang reward money.

Mayorya ng mga konsehal ang pumabor sa mosyon ni Pumaren na naging dahilan para magbigay ng hudyat ang tumayong Presiding Officer Irene Belmonte na aprubahan ang ordinansa sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa kanyang panig, ipi-na­liwanag ni QC Acting Mayor Joy Belmonte na bi-nigyang timbang ng konseho na maitaas sa P5 mil­yon ang reward money upang higit na mas mapadali ang paglutas sa krimen.

Sinabi rin ni Belmonte na kanyang ikinalulungkot ang nangyari kay Beltran na anya’y naging malapit  sa kanya dahil sa palagiang pagtutulungan sa pagkakaloob ng serbisyo sa mga taga-Bagong Silangan na madalas na dumanas ng baha at nakakaranas ng sunog. Nanawagan din ng tulong sa publiko si Belmonte na makipagtulungan sa pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek.

Hiniling din ni Belmonte na huwag munang mag-speculate ang ilan sa kung ano ang motibo ng krimen dahil ang lahat ng anggulo ay tinitingnan ng pulis.

Umaasa si Belmonte na sa pagtataas ng reward money ay agad na mabi­bigyan ng hustisya ang pag­kamatay ni Beltran. 

vuukle comment

CRISELL “BENG” BELTRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with