Hiling na taas-pasahe, sinopla ng LTFRB
MANILA, Philippines – Sinopla ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang transport group na ibalik sa P10 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeepney dahil na rin sa pagtataas ng produktong petrolyo at pagpapatupad ng excise tax dito.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, hindi pa napapanahon ang pagtataas ng pasahe, provisional man o hindi, dahil nananatili pa rin namang stable ang presyo ng diesel.
Nitong Lunes, ipinatupad ng mga gasolinahan ang second tranche ng excise tax sa produktong petrolyo alinsunod sa TRAIN law, kaya’t sumikad ang presyo ng diesel ng mula sa P38.59 ay naging P40.47 na kada litro, habang ang gasolina naman ay tumaas din.
- Latest