^

Metro

233 arestado sa paglabag sa mga ordinansa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
233 arestado sa paglabag sa mga ordinansa
Sa ulat ng NPD, ikinasa ang mga operasyon sa lungsod ng Caloocan at Malabon mula alas-5 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang alas-5 ng umaga ng Disyembre 25. Sa kabuuang 233 dinampot, nasa 91 sa kanila ang pinagmulta habang binigyan lamang ng babala ang 142.

MANILA, Philippines — Hindi naging lisensya ang pagdiriwang ng Noche Buena para lumabag sa mga ipinatutupad na ordinansa nang 48 na tomador na nag-inuman sa kalsada ang dinampot ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) kasama ang 185 pang iba na may iba’t ibang paglabag noong bisperas ng Pasko.

Sa ulat ng NPD, ikinasa ang mga operasyon sa lungsod ng Caloocan  at  Malabon   mula alas-5 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang alas-5 ng umaga ng Disyembre 25. Sa kabuuang 233 dinampot, nasa 91 sa kanila ang pinagmulta habang binigyan lamang ng babala ang 142.

Ayon sa Caloocan City Police, nasa 138 ang dinampot sa lungsod kabilang ang 44 na nahuling umiinom sa mga kalsada at iba pang pampublikong lugar na paraan umano nila ng selebrasyon sa Pasko.  Nasa 35 ang nagsisi­garilyo sa pampublikong lugar, 29 ang dinampot dahil sa walang suot damit pang-itaas, 27 menor-de-edad ang dinampot sa paglabag sa curfew at tatlo sa gang war. 

Sa Valenzuela City, umabot sa 87 pasaway na lumabag sa mga ordinansa ang dinampot ng Valenzuela City Police; walo lamang sa Malabon City Police.

 

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with