^

Metro

Arraignment sa kaso ni Maria Ressa iniliban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Arraignment  sa kaso ni  Maria Ressa iniliban
Ang RHC ay ang holding company ng Rappler Inc. na nagmamayari ng news website na Rappler kung saan ang Chief Executive Editor ay si Ressa.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinatigan kahapon ng Pasig City court ang mosyon para ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa laban sa Rappler Holdings Corporation at sa Pangulo nitong si Maria Ressa na itinakda na sa susunod na taon.

Kahapon, ipinagpaliban ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 265 Judge Danilo Buemio ang  pagbasa ng sakdal at pre-trial sa RHC at Ressa na itinakda sa Pebrero 6, 2019.

 Ang RHC ay ang holding company ng Rappler Inc. na nagmamayari ng news website na Rappler kung saan ang Chief Executive Editor ay si Ressa.

 Ang kaso ay matapos namang sampahan ng Department of Justice (DOJ) ang RHC at si Ressa ng limang  kaso ng tax evasion kung saan isa rito ay inihain sa Pasig City Court,  habang apat pa ay sa Court of Tax Appeal isinampa.

Base sa isinampang kaso sa Pasig City Court, ang RHC at si Ressa ay lumabag sa Section 255 ng tax code dahilan sa hindi tamang impormasyon sa Value Added Tax (VAT) Return sa ikalawang quarter ng taong 2015 kaugnay ng pagbabayad ng tax.

Si Ressa ay nagsumite ng mosyon noong Disyembre 4 ng taong ito at hiniling sa korte na pawalang bisa ang isinampang kaso o kung hindi naman ay suspendehin ang proceedings habang nagsa-sampa pa sila ng apela.

Si Ressa ay naglagak ng P60,000 piyansa ma­ta­pos itong isyuhan ng warrant of arrest ng korte noong Nob­yembre 28.

vuukle comment

MARIA RESSA

TAX EVASION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with