^

Metro

2 college stude tiklo sa P200-k ‘tsongke’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 college stude tiklo sa P200-k �tsongke�
Kinilala ng Caloocan City Police ang mga nasakoteng suspek na sina Mariel Catol, 22, binata, nakatira sa No.112 2nd St., 4th Ave., at si Wilrose Borromeo, 20, dalaga, ng No.1295 A. Mabini St., pawang sa lungsod ng Caloocan.

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang dalawang college student matapos makumpiskahan ng mga otoridad ng bultu-bultong marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P200-libo sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Caloocan City Police ang mga nasakoteng suspek na sina Mariel Catol, 22, binata, nakatira sa No.112 2nd St., 4th Ave., at si Wilrose Borromeo, 20, dalaga, ng No.1295 A. Mabini St., pawang sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa ulat, alas-11:45 kamakalawa ng tanghali nang magkasa ng operasyon ang Caloocan Station Drug Enforcement Unit matapos ang koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa may A. Mabini Street, target ang dalawang suspek na positibong natukoy na mga tulak ng marijuana.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili ng isang plastic sachet ng marijuana sa mga suspek sa halagang P500 marked money.

Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang dakpin ng mga nakapalibot na mga pulis.

Nakumpiska sa posesyon ng dalawang suspek ang tatlong mahabang rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang medium bundle at tatlong small bundle ng naturang iligal na droga na may halaga sa merkado na P200,000.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dinala ang mga ebidensya sa PNP Crime Laboratory Office.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with