^

Metro

Holdaper con karnaper, dedo sa shootout

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Holdaper con karnaper, dedo sa shootout
Namatay noon din ang hindi pa nakikilalang suspect sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan. Ang kasabwat naman nito ay hinahanting na rin ng mga pulis.

MANILA, Philippines — Patay ang isang hol­da­per na karnaper ng motor­siklo matapos itong makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Namatay noon din ang hindi pa nakikilalang suspect sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan. Ang kasabwat naman nito ay hinahanting na rin ng mga pulis.

Ayon sa tanggapan ni Parañaque City chief of police, Sr. Supt. Victor Rosete, naganap ang insidente ala-1:45 kahapon ng madaling araw.

Sakay ang suspect at ang kasabwat nito ng isang motorsiklong walang plaka at habang binabaybay nila ang Poblete Compound ng naturang lugar ay namataan ng mga ito ang isang motorsiklo na minamaneho ng lady guard  na si Reah Jornadal, 23, nakatira sa Teresa, Brgy.Bagong Bayan, Taguig City at binabagtas din nito ang naturang lugar.

Naglabas ng baril ang mga suspect, tinutukan nila si Jornadal at nagdeklara ng holdap.

Dito na nila tinangay ang bag ng biktima maging ang motorsiklo nito.

Nagsisigaw ang biktima na humihingi ng tulong at tiyempo namang nagpapatrolya sina  PO1s Mark John Fontehon; Francisco Bula at John Mark Oloa, nakatalaga sa Parañaque City Police  at kaagad na rumesponde ang mga ito.

Dito na nakipagbarilan ang mga suspect sa mga pulis hanggang sa nagkaroon pa ng habulan at pagsapit ng  West Service Road, Brgy, Sun Valley ay dito bumulagta   ang nasabing suspect habang mabilis na tumakas ang kasabwat nito.

Nasamsam din sa pi­nangyarihan ng insidente ang   gamit  na  motorsiklo ng nasawing suspect, 4 na plastic sachets ng shabu at  kalibre .38 paltik.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with