^

Metro

Ex-con itinumba sa Parola

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-con  itinumba  sa Parola
Sanhi ng mga punglong tinamo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Junrey Sacro Basas, binata, residente ng Gate 16, Area-D, ng naturang lugar.

MANILA, Philippines — Tumimbuwang noon din ang isang 30-anyos na ex-convict na may 2 taon nang nakalaya mula sa Ihawig Penal Colony nang pagbabarilin ng tatlong ‘di natukoy na mga suspek sa isang madilim na bahagi ng Parola Compound, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng mga punglong tinamo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Junrey Sacro Basas, binata, residente ng Gate 16, Area-D, ng naturang lugar.

Sa ulat ng ManilaPolice District-Homicide Section, dakong alas- 8:00 ng gabi, habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan ang biktima sa isang madilim na eskinita na hindi alintana na nakabuntot sa kanya ang tatlong salarin ay bigla na lamang siyang pinagbabaril hanggang sa duguang bumulagta.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with