^

Metro

34 na babae patungong Middle East ikinulong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
34 na babae patungong Middle East ikinulong
Alas-4:00 nang hapon nang puntahan ng mga tauhan ng Manila Police 4 District-General Assignment and Investigation Section ang isang apartment sa 14th Street, San Andres Bukid at ilabas mula sa apartment ang mga recruit na may edad mula 23-37 na ipina-padlock umano sa loob ng isang Nenia Dumanon, caretaker.

MANILA, Philippines — Nasa 34 na babaeng ni-recruit umano ng isang overseas placement agency ang nasagip kamakalawa mula sa pagkaka-padlock sa isang bahay na ginawang pansamantalang tuluyan sa San Andres Bukid, sa Maynila,  habang naghihintay ng kanilang flight patungo sa Jordan, Qatar, at  Saudi Arabia bilang domestic helper.

Alas-4:00 nang hapon nang puntahan ng mga tauhan ng Manila Police 4 District-General Assignment and Investigation Section ang isang apartment sa  14th  Street,  San Andres Bukid at ilabas mula sa apartment ang mga recruit na  may edad mula 23-37 na ipina-padlock umano sa loob ng isang Nenia Dumanon, caretaker.

Nag-ugat ito sa pagsusumbong sa MPD ng dalawang nakatakas na recruit na sina Genevieve Romo, 37, ng Davao Del Norte at Juliue Candelario, 23, ng Montalban, Rizal laban kay Dumanon.

Hindi naman nadakip ang may-ari ng I Employ Manpower Services.

Gayunman, wala naman umanong placement fee o anumang binayaran ang mga recruit at libre sa pagkain at pananatili sa bahay-tuluyan subalit kinumpiska umano ang kanilang mga papeles at passport upang hindi sila makatakas.

Inihahanda ang reklamong illegal detention laban sa may-ari ng mapower agency.

Hindi naman makaka­suhan ng estafa at illegal recruitment ang nasabing establisyemento dahil nakaalis na umano ang ibang recruit at walang kinolektang pera mula sa mga ito.

vuukle comment

OVERSEAS PLACEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with