^

Metro

Joy B suportado ng SK officials

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B suportado ng  SK officials
Ito’y matapos na makiisa sila kahapon sa gina-nap na SK Drug Education Preven­tion Program na pina-ngasiwaan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na siya ring Chairman ng QC Anti drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) sa Amoranto Sports Complex QC.
Boy Santos

Sa giit na mandatory drug test

MANILA, Philippines — Suportado ng libong mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Quezon City ang pagsasagawa ng mandatory drug tes-ting sa kanilang hanay.

Ito’y matapos na makiisa sila kahapon sa gina-nap na SK Drug Education Preven­tion Program na pina-ngasiwaan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na siya ring Chairman ng QC Anti drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) sa Amoranto Sports Complex QC.

Sa forum, positibo ang sagot  ng mga bagong halal na opisyal ng SK ang tanong ni Belmonte sa kanilang hanay kung nais sumailalim sa mandatory drug testing upang matiyak na drug free ang lahat ng uupong mga bagong SK officials sa QC.

Dito, ipinaliwanag din ni Belmonte sa mga nabanggit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang drug free barangay upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang nasasakupan.

“Mayroon tayong mga ordinansa sa ating lungsod tungkol sa mandatory drug testing, drug free workplace at bilang isang halal na opis-yal, kailangan tayong mag- comply dito, oras na malaman na kayo ay hindi compliant at nalaman na kayo ay gumagamit ng illegal drugs, irereklamo kayo sa DILG na posibleng matanggal kayo sa inyong posisyon,” paliwanag ni Belmonte.

Sinabi rin nito na ang QC ang kauna-unahang LGU sa buong bansa na nagpatupad ng maayos na sistema hinggil sa Anti-drug campaign kaya’t ang lungsod ang modelo ngayon sa buong bansa at tinutularan ng ibang lokalidad hinggil sa programa laban sa illegal drugs.

Binanggit din nito na kung may mga streetchildren lalo na kung may mga nalululong sa droga sa kanilang area of responsibility ay maaa-ring ipagbigay alam agad sa QCDAAC at maaari ding dalhin ang mga streetchildren sa Out Reach Drop-In Center Bahay Pangarap sa Novaliches QC at sa Special Drug Education Center (SDEC) na pawang naipatayo ni Belmonte na kakanlong sa mga batang lansangan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

SANGGUNIANG KABATAAN

SK DRUG EDUCATION PREVEN­TION PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with