^

Metro

Financial aid para sa mga nasunugang empleyado ng QC hall, itinaas -- Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula P10,000 ay P30,000 na ang matatanggap na ayuda ng mga kawani ng Quezon City Hall na masusu­nugan.

Ito ang inanunsyo ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte makaraang ipasa nila sa QC Council ang Ordinance No. SP-2679, S-2018 na nagtataas ng ha­laga sa tulong pinansyal na ibinibigay ng QC government para sa mga empleyadong nasunugan.

Ayon kay Belmonte, hindi na sapat ang P10,000 para makatulong sa mga empleyado ng City Hall na nabiktima ng sunog kaya’t minabuti ng konseho na ma­itaas ang tulong ng lokal na pamahalaan sa mga nabanggit.

“It has been 19 years since this ordinance was passed and considering the length of time, the cost of living has risen and P10,000 is not enough to rebuild the life of a fire victim,” paliwanag ni Belmonte.

Anya, ang itinaas na halaga ng ayuda ay makaka­tulong para makabangong muli ang mga kawaning nasunugan at nawalan ng tirahan.

Pasok sa ordinansa ang lahat ng opisyal at emple­yado ng lokal na pamahalaan, maging permanente o contractual.

Inootorisa rin ng ordinansa ang lokal na pamahalaan na maglaan ng P1 bilyon sa P19-bilyong budget nito ngayong 2018 at sa mga susunod pang taon para sa programang ito.

vuukle comment

FIRE VICTIM

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with