^

Metro

Kelot durog sa truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Durog ang katawan ng isang empleyado ng Quezon City hall makaraang masagasaan ng rumaragasang dump truck sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Jordan Bardoquillo, 25,   at nakatira sa Saphire St., Payatas B, ng nabanggit na lungsod.

Si Bardoquillo ay  agad na nasawi sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente dahil  sa matinding pagkalasog ng katawan.

Kusang loob namang sumuko ang nakasagasa na si Rene Cardinal Pamoran, 34, driver ng dump truck (RDS- 1866), tubong Bacolod City.

Batay  sa  imbestigasyon ni SPO1 Alfredo  Moises, nabatid na ang aksidente ay naganap dakong alas–3:00 ng mada­ling araw sa Payatas Road. 

Galing sa  Montalban ang minamanehong dump truck ni Pamoran at habang matulin nitong binabagtas ang kahabaan ng Payatas Road patungo sa direksiyon ng Litex, Brgy. Commonwealth, QC., bigla na lamang nahampas ng truck nito ang motorsiklong sinasakyan ng biktima at tumilapon pailalim ang huli kaya nagulungan ng sasakyan.

Ayon sa driver ng truck, nag–take over sa kanya ang dalawang motorsiklo at dahil doon ay agad niyang nakabig ang manibela na nagkataon namang papara­ting din ang minamanehong motorsiklo ng biktima. 

Nakakulong ngayon sa selda ng QCPD Sector 5 ang driver ng dump truck habang inihahanda ang kasong reckless driving resulting to homicide laban sa kanya.

vuukle comment

DUMP TRUCK

MASAGASAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with