^

Metro

3 sa 4 na nangholdap sa mag-inang Chinese, dakip

Ludy Bermudo, Vanessa Lenn Galuza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote na ng mga otoridad ang tatlo sa apat na suspek na nangholdap sa isang mag-inang Chinese noong Biyernes ng hapon kung saan natangay mula sa kanila ang nasa P3-milyong halaga ng cash na kaka-withdraw pa lamang sa isang bangko sa Sta. Cruz, Maynila.

Isinailalim na kahapon sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga naarestong suspek na kinilala ni MPD-Theft and Robbery Section chief, C/Insp. Eduardo Pama, na sina Jonathan Hernandez Nucom alyas “Jon-jon”, 36; Paul John Abellera Ortego alyas “Janjan”, 23;  at Stevenson Bernard Nicolas Jr. alyas “Toto”, 42, pawang mga residente ng La Torre St. Tondo sa reklamong paglabag sa Article 294 (Robbery with Intimidation) ng Revised Penal Code.

Matatandaang naiulat kamakalawa ang reklamo ng mag-inang sina Nikki Ong Hong, 28  at Grace Sy Ong, 56, pawang residente ng Bambang St., Sta. Cruz, Maynila na sila ay naholdap ng dalawang riding-in-tandem habang sakay ng tricycle sa may panulukan ng Bambang at Se­verino Reyes Sts., alas-4:30 ng hapon matapos mag-withdraw sa Asia United Bank.

Gayunman, hindi na narekober ang salapi, mahahalagang dokumento at cellular phones na laman ng bag.   

vuukle comment

CHINESE

NANGHOLDAP

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with