^

Metro

Commander ng Egyptian ISIS, timbog sa Maynila

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Commander ng Egyptian ISIS, timbog sa Maynila

Ang  sinasabing commander ng Egyptian ISIS na nakilalang si Fehmi Lassqued na gumagamit ng pekeng Tunisian passport nang iprisinta kahapon sa Camp Crame. (Kuha ni Michael Varcas)
 

Terror attack silat

MANILA, Philippines — Nasilat ang umano’y  planong ‘terror attack’ sa Pilipinas makaraang masakote ang isang commander ng Egyptian Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at live-in partner nito sa operasyon sa isang apartment sa Ermita, Manila, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta ni PNP Chief P/Director Gene­ral Ronald “Bato’ dela Rosa ang nasakoteng suspect na si Fehmi Lassqued, ipi­nanganak sa Egypt pero gumagamit ng pekeng Tunisian passport.

Sinabi ni dela Rosa na si Lassqued ay isang da-ting ‘government negotiator at commander ng ISIS sa Syria, lider ng international criminal organization kung saan recruiter naman ito ng naturang international terrorist organization sa Pilipinas.

“Sa ngayon dito sa Pilipinas recruiter ang kanyang status pero formerly negotiator between ISIS leadership and local government officials in Syria and Turkey,  commander siya ng ISIS. In fact, merong ISIS flag na nakuha from his possession during the implementation of the search warrant pero hindi pa nadala dito”, ani dela Rosa kung saan inaalam pa kung may kinalaman din ang suspect sa Marawi City siege noong Mayo 23, 2017 na tumagal ng limang buwan.

Arestado rin sa operas­yon ang Pinay na live-in partner ni Lassqued na si Anabel Salipada, na taga- Maguindanao.

Kasabay nito, nasilat naman ang pinaniniwalaang planong paglulunsad ng ‘terror attack’ ng grupo ni Lassqued matapos na makumpiska ng mga awtoridad mula sa nasabing raid ang isang cal. 45 pistol na puno ng mga bala at mga magazine. Nakuha rin mula sa mga suspect ang sari-saring sangkap sa paggawa ng bomba kabilang ang apat na pipes, tatlong capacitors, tatlong light emitting diodes, dalawang integrated circuits, tatlong battery clips at iba pa.

Nabatid na ang mga suspect ay nasakote nitong nakaraang Biyernes sa ope­rasyon sa Casa Blanca  apartment sa kahabaan ng Adriatico, Ermita, Maynila pero nitong Lunes lamang isinapubliko dahilan isinaila-lim muna ang mga ito sa masusing interogasyon.

Inihayag pa ng opisyal na ang operasyon ay matapos na makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y nagtatagong lider ng ISIS sa isang apartment sa Metro Manila.

Sa bisa ng search warrant ay agad namang isinagawa  ang operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkaka-aresto sa nasabing Egyptian terrorist at live-in partner nito.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na simula pa noong Hulyo 2016 ang suspect ay bumibiyahe at naglalabas-masok sa Manila at iba pang lugar sa bansa gamit ang nasabing pekeng Tunisian passport.

Related video:

vuukle comment

EGYPTIAN ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with