^

Metro

Ika-33 ‘Oplan Galugad’, 150 gramo ng shabu nakuha sa 2 preso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tila hindi natatapos ang iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison  nang  makuha mula sa dalawang  preso ang nasa  150 gramo ng hinihinalang shabu sa ika-33 “Oplan Galugad Operation” ng raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City kahapon.

Nabatid kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., alas-5:00 ng umaga nagsimulang magsagawa nang paggalugad ang raiding team ng  BuCor sa building 3 at 13 sa quadrant 3 sa maximum security compound, na ang mga nakakulong  ay  ang grupo ng Happy Go Lucky, Batang Cebu at Sigue-Sigue Sputnik gang. Nakumpiska sa dalawang preso na hindi pinangalanan ang nasa 150 gramo ng pinaniniwalaang shabu, na nakalagay sa isang medyas.

Nakarekober din ng  dalawang improvised shotgun (sumpak), mga bala ng baril, ilang electronic gadgets,  appliances at sangkaterbang TV antenna.

Sinabi ni Shwarzkopf, na mahaharap sa karagdagang kaso ang dalawang inmates at nakatakdang ilipat ang mga ito sa isolation cell, na posibleng tanggalan ang mga ito ng prebilihiyong madalaw ng kanilang kaanak at maapektuhan ang tinatawag na good conduct term allowance na ibinibigay sa mga bilanggo.

Tiniyak din nito na umiiral pa rin ang mahigpit na seguridad at tuluy-tuloy ang isasagawang Oplan Galugad Operation sa NBP hanggang sa maubos ang mga kontrabando dito.

vuukle comment

LTO

VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with