^

Metro

DPWH, puspusan na sa ‘Oplan Baklas’

Doris Franche-Borja at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Abala na ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbabaklas ng mga campaign posters na iniwan ng mga kandidato sa mga pampublikong istraktura.

Sa pagtaya ng Oplan Baklas team, tatagal ng isang linggo bago tuluyang matapos sa paglilinis sa Merto Manila. Katuwang  ng DPWH ang MMDA ngunit mas mapapadali raw ang kanilang aktibidad kung may mga dagdag na tulong ng volunteers.

Kaugnay nito, nakiisa din sa mapayapang halalan at suportahan ang malinis na pamayanan sa Quezon City, nakipagsanib puwersa ang Quezon City Police District (QCPD) sa iba’t ibang ahensya para sa paglilinis ng mga nagkalat at nakakabit na mga materyales na ginamit sa nakaraang halalan.
Sa pangunguna ni QCPD Director, Police Chief Supt. Edgardo G. Tinio, sinimulan ang clean up drive sa mga lansangan at mga polling precinct na tinawag na ‘Operation Baklas-Linis’

Ang clean-up drive katuwang ang Commission on Election (Comelec) ay naglalayong mapabilis ang pagtatanggal ng mga campaign posters ng mga political candidates malapit sa mga besinidad.

Samantala, bilang pasasalamat ng pamunuan sa naging mapayapang halalan nagsama sama ang buong miyembro nito sa isang traditional boodle fight sa District Headquarters sa Camp Karingal matapos ang paglilinis bilang simbulo ng gratitude.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with