^

Metro

Truck driver tinodas ng pahinante

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi habang isinusugod sa pagamutan ang isang 39-anyos na truck driver nang saksakin sa dibdib ng kanyang pahinante, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City Medical Center si Joselito Andres, ng Don Pablo Street, Brgy. Palanas, ng naturang lungsod.

Nadakip naman ng pulis­ya ang suspek na si Sonny Boy Francisco, 33, ng Brgy. Cadowan, Cadiz, Negros Occidental.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na itinali ni Francisco ang pinto ng driver’s seat ng kanilang gamit na delivery truck (XDE-150) dakong alas- 11:50 ng gabi habang nakaparada sa may Mabolo Street, Brgy. Santulan, Malabon.

Nang dumating si Andres, pinagalitan nito ang kanyang mga pahinante kabilang si Francisco nang mahirapan ito na buksan ang pinto ng trak kaya kinalag ang natu­rang tali.

Habang nasa loob ng sasakyan, biglang inakbayan ng suspek si Andres at tinarakan ng patalim sa dibdib.

Nagawa pang makalabas ng trak at makatakbo ng biktima saka humingi  ng saklolo sa mga tanod na nagsugod sa kanya sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay. Naaresto naman ng mga rumespondeng tauhan ng Malabon Police Community Precinct 1 ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANDRES

ANG

BRGY

DON PABLO STREET

JOSELITO ANDRES

MABOLO STREET

MALABON CITY

MALABON POLICE COMMUNITY PRECINCT

NEGROS OCCIDENTAL

SONNY BOY FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with