^

Metro

Ama utas sa tarak ng anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 55-anyos na taxi driver nang ta­ra­kan ng dalawang beses sa dibdib ng sariling anak na lalaki na inaawat ng una sa pakikipag-away sa kalive-in, sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Bigo nang maisalba ng mga doktor sa Philippine Ge­neral Hospital (PGH) ang bikti­mang si Carlito dela Ysla, residente ng President Quirino Avenue, Pandacan, Maynila.

Hindi na matagpuan ang tumakas na suspek na  Charvie dela Ysla, 30.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-.Homicide Section, naganap ang insidente bandang 4:45 ng hapon sa  loob ng kanilang bahay.

Sinubukan umanong awatin ng biktima ang anak dahil sa mainit na away nito sa kinakasamang si Laarni Canares kaya inakyat niya ito sa ikatlong palapag.

Sa kagustuhang masawata ay hinatak umano ng biktima pababa ng hagdan ang anak na ikinairita umano nito kaya sa gitna ng init ng kaniyang ulo ay pinagbali-ngan at sinaksak ang ama sa dibdib, May hiwa ring nakita sa may ulo nito.

Sumaklolo ang kapitbahay at dinala sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay tumakas nang makitang duguan ang ama.

Maghahain ng kasong parricide ang pulisya laban sa suspek.

Sa kasalukuyan, hindi pa dumarating sa Homicide Section ang mga kaanak ng biktima para magbigay ng salaysay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HOMICIDE SECTION

LAARNI CANARES

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PANDACAN

PHILIPPINE GE

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

RICHARD ESCARLAN

YSLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with