^

Metro

MM nasa heightened alert

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinaas ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC)  sa “heightened alert” ang kanilang tanggapan lalo na ang kanilang mga tauhang nakatalaga sa di­saster at emergency response dahil sa posibleng pananalasa ng bagyong Chedeng  sa Metro Manila.

Sinabi ng MMDA Chairman Francis Tolentino, head din ng  MMDRRMC, na nakaantabay na ang kanilang mga tauhan katuwang ang mga nasa pamahalaang lokal para sa 24-oras  na monitoring.

Gagamitin din nila ang kanilang mga radio communication upang madaling maipakalat ang impormasyon sa mga pamahalaang lokal  ang anumang impormasyong may kaugnayan sa bagyo at rescue operation.

Parating magpapalabas ng update ang  MMDA’s Flood Control Infor­mation Center sa  MMDRRMC  at mga tauhan ng pamahalaang lokal.

Sa ilalim ng pagpapatupad nila ng heightened alert status, ang 30 porsiyentong nakatalaga sa disaster at emergency response  ay nakaantabay para sa agarang pagresponde.

Kahapon ay nagpadala na si Tolentino ng ibang rescue team sa lalawigan ng Aurora  at Isabela upang magbigay ng ayuda sa mga resi­denteng maaapektuhan ng pana­nalasa ng bagyong Chedeng.

Samantala, kaagad na pina­imbertaryo ni Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay ang kanilang mga  equipment, pasilidad at supplies na kakailanganin sakaling tamaan ni Che­deng ang Metro Manila. Ang unang palapag ng Makati City Building­ 2 ang siyang magiging tanggapan para magsagawa ng monitoring hinggil sa kalamidad.

Samantala, sa ulat naman ng social­ welfare department, nakahanda na ang kanilang mga relief goods para ipamahagi sa 7,900 pamilya na posibleng maapektuhan ng bagyo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHEDENG

FLOOD CONTROL INFOR

MAKATI CITY BUILDING

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR ERWIN BINAY

METRO MANILA

MGA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with