^

Metro

Van nagliyab sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas ang isang driver matapos masunog ang minamaneho nitong van na naglalaman ng mga construction material dahil sa problema sa electrical wiring, na nagdulot na naman nang pagsisikip sa daloy ng trapiko, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ayon sa pahayag sa Pasay City Police Traffic Bureau ng driver na si Kerbie Rubio, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Taft Avenue ng naturang lungsod.

Minamaneho ni Rubio ang naturang van (WKN-263)  na nagla­laman ng mga construction materials na kanyang idedeliber sa area ng Las Piñas City.

Ayon dito pagsapit niya sa tapat ng MRT-Taft Station ay bigla na lamang nagliyab ang passenger seat at himala itong nakaligtas  dahil kaagad itong nakalabas ng sasakyan.

Tumagal ng halos sampung minuto ang sunog, na ang dahilan ay problema sa electrical wiring.

Nagdulot naman nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga motorista ang naturang insidente.

vuukle comment

AYON

KERBIE RUBIO

LAS PI

MINAMANEHO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE TRAFFIC BUREAU

TAFT AVENUE

TAFT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with