^

Metro

Tinawag na ‘supot’ Ate tinodas ng utol

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong saksak sa katawan na ikinasawi ng isang 45-anyos na babae nang mapikon ang nakaba­batang kapatid nito na tinawag niyang ‘supot’  sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Bernadeth Nakpil, ng Del Rosario St., Gagalangin, Tondo. 

Agad namang naaresto ang suspek na nakapatay sa kaniyang ate na si  Bienvenido Gregorio, 44.

Sa ulat ni SPO1 Charles Duran, ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa mismong gate ng kanilang bahay.

Nabatid na nasa labas ng kanilang bahay ang suspek nang tawagin ng biktima ng ‘supot’ sa halip na pangalan o palayaw. Dahil dito ay nagbungis­ngisan ang mga nakarinig na kapitbahay na ikina­pahiya ng biktima.

Dahil dito, pumasok na lamang ng bahay ang suspek  na lingid sa kaalaman ng nasawi  ay kumuha pala ng   kutsilyo. Ilang sandali pa ay binalikan nito ang kapatid na nakatayo pa sa gate ng kanilang bahay at doon inun­dayan ng tatlong saksak sa katawan. Pagkatapos nito ay umakyat uli ng bahay ang suspect habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima na hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

BERNADETH NAKPIL

BIENVENIDO GREGORIO

CHARLES DURAN

DAHIL

DEL ROSARIO ST.

GAGALANGIN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with