^

Metro

Nakasagasa na, nanaksak pa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng malawakang manhunt operation ang Manila Police District laban sa isang lalaki na nanagasa ng isang bata at sumaksak pa sa tatay ng huli, kamakalawa ng gabi sa Gagalangin, Tondo.

Si Abet Bagaya, ng Da­­nganan St. Gagala­ngin, Tondo, Maynila ang itinuturong suspek sa pa­nanaksak kay Jose Nelson Yu, 47, driver, ng Gagalangin, Tondo, Manila at sa anak nito.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni SPO1 Ro­naldo Delos Arcos na alas-10:15 ng gabi kama­kalawa nangyari ang in­sidente kung saan nag­lalakad ang biktimang si Yu kasama ang anak sa Pag-asa St. nang masagasaan ng humaharurot na motorsiklo na minamaneho ni  Bagaya.

Bunsod nito, natumba at nasugatan ang  anak ni Yu dahilan upang ireklamo ng huli ang suspek sa barangay hall. Hindi inakala ng bik­­tima na sa kanyang paglabas sa barangay hall ay agad siyang sasalu­bungin ng saksak ng suspek.

Sa kabila ng pakiusap ng biktima sa suspek ay inundayan pa rin ng saksak ng suspek ang biktima sa leeg, ulo at likod hanggang sa bumagsak ang  una. Agad namang naidala sa Tondo Medical Center ang biktima kung saan nasa maayos na itong kalagayan.

vuukle comment

DELOS ARCOS

GAGALANGIN

JOSE NELSON YU

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

SI ABET BAGAYA

ST. GAGALA

TONDO MEDICAL CENTER

YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with