^

Metro

Mag-utol niratrat: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 21-anyos­ na binata habang su­gatan ang kasama nitong kapatid na babae nang harangin at pagbabarilin ng isang motorcycle rider sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Edwin Catran, ng Sgt. Ma­bagos St., Tondo, bunga ng bala ng tinamong tama sa ulo.

Nilalapatan pa ng lunas sa nabanggit ding paga­mutan ang half sister ni Catran na kinilalang si Rosemarie Sespene, 26, dalaga, bunga ng tama ng balang tinamo sa braso.

Patuloy pang iniimbes­tigahan ang pagkakakilanlan sa gunman na sakay ng itim na motorsiklong walang plaka, na inabandona ma­tapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide, dakong ala-1:35 ng madaling-araw nang maganap ang in­sidente sa panulukan ng Wagas at Sgt. Mabagos Sts., sa  Tondo.

Naglalakad umano ang dalawa nang biglang su­­­mul­pot ang naka-motor­siklong suspek at hinarangan ang kanilang daraanan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

vuukle comment

BLANGKO

EDWIN CATRAN

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLENZOR VALLEJO

MABAGOS STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

ROSEMARIE SESPENE

SGT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with