^

Metro

Lumabag sa ‘no fly zone policy’ sa Papal visit photog na nagpalipad ng drone, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang photographer matapos itong maaresto noong Sabado habang nagpapalipad ng unmanned aerial vehicle o camera-mounted drone sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Kamakalawa, dakong alas-10:45 ng gabi ay ina­nunsyo ni Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office (PNP-PIO) ang pagka­kaaresto kay Michael Sy Yu, 35.

Ayon kay Mayor, si Yu ay dinakip matapos ma­huling nagpapalipad ng drone malapit sa Diamond Hotel sa panulukan ng Roxas­ Boulevard at Dr. J. Quintos Street sa Malate, Maynila dakong alas-9:30 ng umaga noong Sabado.

Ito’y sa kabila ng ‘no fly zone policy’ na ipinatutupad kaugnay sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Sinabi ni Mayor na si Yu ay photographer ng Snaps Creative Inc., ay nahuli sa akto ng mga operatiba na nagpapalipad ng drone habang kinukunan ang libu-libong mga deboto sa lugar.

Una nang idineklara ng mga awtoridad ang ‘no fly zone’ sa siyam na lugar na ‘areas of engagement’ ni Pope Francis at kabilang din sa ipinagbabawal ay ang pagpapalipad ng drone na nauna nang ibinabala sa mga television network.

Nasa Diamond Hotel ang media center ng mga re­porter na nagkokober sa Papal visit kabilang ang Vatican accredited re­porters at mga Vatican Bishops  na kasama ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa.

Samantala, isang nagpakilalang agent ng PDEA ang naaresto rin ng pulisya dahil sa pagbitbit nito ng armas sa lugar na idineklarang fire­arms free zone ng PNP.

Kinilala ni Mayor ang nasabing PDEA agent na si Sonnyboy Anonnat na may bitbit na 9mm nang inspek­syunin ng mga operatiba ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit sa may bahagi ng Pres. Quirino Avenue sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Si Annonat ay naha­harap naman sa paglabag sa firearms law.

vuukle comment

CHIEF SUPT

DIAMOND HOTEL

DR. J

MANILA POLICE DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MAYNILA

MICHAEL SY YU

POPE FRANCIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with