^

Metro

Negosyante sugatan sa ambush ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaligtas sa ambush ng riding in tandem ang isang 66-anyos lady trader kahapon ng tanghali sa Pasig City.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .9mm na baril sa tiyan at braso ang biktimang si Loraine Ordinario, residente ng Dr. Sixto Avenue, Pasig City.

Nabatid na dakong ala-1:12 ng tanghali nang maganap ang krimen habang lulan ang biktima sa kanyang kulay maroon na Toyota FX na may plakang TNU-197 na minamaneho ng kanyang personal driver na si Roberto Somera.

Sinasabing malapit na ang biktima sa kanyang tini­tirahang condominium nang bigla na lang itong harangin ng mga armadong lalaki na magkaangkas sa kulay dark blue na motorsiklo na walang plaka.

Bigla na lang bumunot ng baril ang backrider at pinagbabaril ang biktima at mabilis na tumakas. Hindi naman nasiraan ng loob si Somera at mabilis pang napatakbo ang FX saka pinayuko ang kanyang amo.

Matapos ang pama­maril ay agad na isinugod ni Somera ang kanyang amo sa The Medical City na ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may kinalaman sa lending business ng biktima ang motibo ng pananambang.

vuukle comment

BIGLA

DR. SIXTO AVENUE

INAALAM

LORAINE ORDINARIO

MATAPOS

MEDICAL CITY

PASIG CITY

ROBERTO SOMERA

SOMERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with