^

Metro

Babae patay sa salpukan sa C5 flyover

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae at anim pa ang sugatan sa salpukan ng dalawang sasakyan sa C-5 flyover sa lungsod ng Pasig ngayong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa isang ulat sa radyo, lasing at nakitaan pa ng bote ng alak sa loob ng sasakyan ang may dala ng Mitsubishi Montero (KEX 246) nang araruhin nito ang plantbox sa center island ng flyover bandang 2:30 ng umaga.

Sa bilis ng pagpapatakbo ng Montero ay tumilapon pa ito sa northbound lane ng kalsada bago tumama sa paparating na Toyota Innova (AAM 2365).

Sakay ng Innova ang babaeng nasawi, habang sugatan ang iba pang sakay nito na karamihan ay mga nars.

Kaagad isinugod sa Rizal Medical Center at Medical City ang mga biktima kabilang ang nagmamaneho ng Montero.

Ayon naman sa mga awtoridad, lasing umano ang may dala ng Montero base na rin sa amoy alak ang sasakyan at sa nakitang bote ng alak sa loob nito.

vuukle comment

AYON

INNOVA

KAAGAD

MEDICAL CITY

MITSUBISHI MONTERO

MONTERO

PASIG

PATAY

RIZAL MEDICAL CENTER

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with