^

Metro

10K lumahok sa Puerto Princesa Underground River Day

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinagsa ng umaabot sa 10,000 katao ang makulay na paradang nilahukan kamakailan hindi lamang ng mga residente kundi maging ng mga turistang bumibisita ang unang pagdiriwang sa pagkakahirang sa Puerto Princesa Subterranean River National Park sa 7 New Wonders of Nature noong 2011.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron alinsunod sa Presidential Proclamation No. 816 na pinagtibay ni Pangulong Aquino.

Tampok sa kauna-una­hang selebrasyon ang mga karosa na nakasentro sa temang pangkalikasan partikular na ang underground river, mga isda, halamang dagat na makikita sa Tubbataha Reef at Pyro Musical Display.

Kabilang sa mga lumahok sa city-wide parade sina G. Jean Paul de la Fuente, director ng New 7 Wonders of Nature, Executive Director Vincent V. Hilomen ng Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment Nature Resources, mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan, kawani ng barangay at pamahalaan, mga katutubo at non-go­vernment organizations.

Ipinarada rin ang iba’t ibang kasuotan at ‘head dress’ na gawa sa walis tambo, walis tingting, makukulay na balahibo at makikintab na papel, kung saan nangibabaw ang di­senyong “tandikan” o Palawan Peacock, gayundin ang mga kasuotang ayos paniki, unggoy, bayawak at musang.

Ngayong 2014 ay uma­bot na sa 568,000 ang tourist arrival sa lungsod at mula rito ay nasa 241,155 ang bumisita sa underground river na inaasahang lolobo pa sa pagpasok ng kapaskuhan.

Sa mahigit isang taong panunungkulan ni Mayor Bayron, patuloy na umaakyat ang bilang ng mga turistang bumibisita upang mamasyal samantalang ang iba ay nakikipag-ugnayan para sa posibilidad ng pagnenegosyo.

Isang concert din para sa mga residente ang itata­guyod ni Mayor Bayron ngayong Nobyembre na bahagi pa rin ng selebras­yon para sa anibersaryo ng Underground River.

vuukle comment

BIODIVERSITY MANAGEMENT BUREAU

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT NATURE RESOURCES

EXECUTIVE DIRECTOR VINCENT V

JEAN PAUL

MAYOR BAYRON

MAYOR LUCILO R

NEW WONDERS OF NATURE

PALAWAN PEACOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with