^

Metro

Manhunt sa killer ng nanay ni Cherry Pie

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaigting ngayon ng Quezon City Police District ang pagtugis sa pangunahing suspek sa pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Aksyon ito ng pamunuan, makaraang ilabas ang  litrato ng suspek na si Michael Flores, dalawang linggo matapos ang nangyaring pagpatay kay Ginang Zenaida Sison sa bahay nito sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director Richard Albano, sa ngayon positibo na ang kanilang tropa kung sino ang kukuning suspek matapos na itinuro si Flores ng limang testigo.

Sinabi ni Albano, madalas umano itong nagpupunta sa bahay ng biktima para maglinis bukod pa ang nakitang duguang damit na tumutugma sa pahayag ng mga testigo na pag-aari ni Flores.

Pagnanakaw ang tanging motibong nakikita sa krimen dahil nawawala ang pera at alahas ni Sison na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.

Nabatid pa ng QCPD na bukod sa naturang insidente, nasangkot na rin si Flores sa apat na kaso ng pagnanakaw.

Si Flores ay taga-Camotes Island sa Cebu at huling naging tirahan nito ay sa Taguig City.

Bukod sa QCPD, ang kaso ay hawak na rin ng National Bureau of Investigation.

vuukle comment

AKSYON

CAMOTES ISLAND

CHERRY PIE PICACHE

DIRECTOR RICHARD ALBANO

GINANG ZENAIDA SISON

MICHAEL FLORES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SI FLORES

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with