^

Metro

Sa ocular inspection ng NBI: Witness tinukoy kung saan isinagawa ang hazing

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinagawa kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ocular inspection kasama ang ilang testigo sa bahay kung saan isinagawa ang initiation sa mga neophytes ng Tau Gamma Phi fraternity kung saan nasawi si Guillo Cesar Servando.

Kasabay nito, inilabas na rin kahapon ng  NBI  ang mga larawan ng ilang miyembro ng fraternity  na sangkot sa hazing.

Ipinahayag naman ng Makati City Police na tiwala silang maisasampa sa linggong ito ang kaso laban sa mga sangkot sa hazing.  Ayon kay SPO1 Nilo Sadsad na hinihintay na lamang nila ang ikatlong biktima sa hazing na isang minor para pormal na maisumite ang sworn affidavit sa NBI man o sa kanila.

Nilinaw nito na  bagamat nagsasagawa ang NBI ng parallel investigation, ang Makati City police ang siyang magsasampa ng kaso sa mga suspects.

Dalawang neophytes na kasama ni Guillo sa naganap na hazing na  sina John Paul Raval at Lorenze Agustin ay kapwa nakapagsumite  na ng  sworn affidavits. Idinetalye rin ng mga ito ang mga pangyayari.

Sa pahayag ni Raval, sampung miyembro ng fraternity ang kanyang pinangalanan. Kabilang sa kinilala nito na  nasa bahay kung saan isinagawa ang hazing  ay sina Cody Morales, na sinabi niyang head o Lord Grand Triskelion, Pope Bautista, Trex Garcia, Hans Tamaring, isang alyas Navoa, alyas Rey Jay, alyas Mike, alyas Kurt, alyas Louie at alyas Emeng, na sinabi niyang master initiator.

vuukle comment

CODY MORALES

GUILLO CESAR SERVANDO

HANS TAMARING

JOHN PAUL RAVAL

LORD GRAND TRISKELION

LORENZE AGUSTIN

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with